Maling akala



 
HomePortalFAQSearchRegisterLog in

Share | 
 

 Maling akala

Go down 
AuthorMessage
Binibini



Posts : 107
Join date : 2012-06-30
Location : USA

PostSubject: Maling akala   Sun Jul 29, 2012 8:16 pm


Nuo'y Hulyo bente dalawang taon mula ngayon,
Masayang dinaluhan ng aking pamilya ang isang masayang pampamilyang pagtitipon,
Di akalaing makikita duon ang isang panauhin na hindi mula sa aming pamilya o kahit sa aming nayon,
Napagtanto nuong dakong huli'y isa pala sya sa inimbitahan ng aking pinsang mahilig maglimayon.

Hindi mawari paano ang uri ng pagngiti ang aking ipapakita upang manatiling maganda sa iyong paningin,
Bakit ako ganito ako sa iyo samantalang marami namang nagpapalipad hangin sa akin ang mga kabinataan sa amin?
Sana ay hindi na nilalang ang "pawis" sapagkat ramdam ko ang pagpatak nito sa aking mukha tuwing sumusulyap ka sa akin,
Akala mo lang hind ko alintana pero huuling huling ko ang lahat tuwing tumitingin ka sa akin.

Upang makaalpas mula sa iyong mga mata'y nagpasyang sumagap ng hangin sa labas ng bakuran,
Duon alam kong hindi mo ako mapagtutuunan ng pansin sa dami ng mga kadalagahang maaring mapagtuunan,
Diko na namalayang ikaw pala'y nakaupo na sa aking tabi,
Nakalahad ang kamay upang magpakilala sa akin at may hatid na ngiti sa mga labi.

Ganito pala ang humanga usal ko sa sarili,
Naisip ko'y sana hindi na naimbento ang orasan upang hindi na tumigil ang pagpatak ng gabi,
Nang sa gayo'y makilala ko pa sya ng higit at nanaiising ibigin na higit pa sa aking sarili,
Nausal ko "oh sana'y higit pa sa pagkakaibigan ang iluhog mo" ng walang kimi.

Ngunit bago pa natapos ang salu-salo'y nalaman ko na lamang mula sa ibang tao,
Na maging ang ibang kadalagahan ay kinilala mo rin ng husto,
Na lahat sila'y binigyan mo ng tig iisang rosas sa bawat pagpapakilala mo,
Bakit ganito ginoo? Akala ko'y ako lamang ang natatanging pinagtuunan mo?
Back to top Go down
 
Maling akala
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: Sharing Section :: Poems-
Jump to:  
Create a forum on Forumotion | © phpBB | Free forum support | Contact | Report an abuse | Free forum